Resolusyon ng Senado na suspendihin ang PUV Modernization, tinabla ni PBBM; PUV Modernization program, tuloy ayon sa pangulo

Tinabla ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang inihaing resolusyon ng 22 Senador na suspendihin ang PUV Modernization Program.

Sa ambush interview sa Masantol, Pampanga, nanindigan ang pangulo na hindi minadali ang PUV Modernization program kung kaya’t hindi siya sang-ayon sa gusto ng mga ito.

Sa katunayan aniya ay pitong beses na ngang na-postpone ang PUV Modernization program.


Sabi pa ng pangulo, karamihan sa mga nagsusulong ng suspensyon nito ay nasa minority.

Hindi aniya pwede na 20% ang magpapasya ng magiging buhay ng 100%.

Majority aniya ng tsuper at kooperatiba ay nagpa-consolidate sa modernization kung kaya’t itutuloy ng pamahalaan ang programa.

Facebook Comments