Kinatigan ng senado ang resolusyon na inisponsoran ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go, na humihimok sa executive Department na bumuo at magpatupad ng “Balik Probinsya” program na naglalayong paluwagin ang Metro Manila, i-promote ang pagpapalakas ng kaunlaran sa mga rehiyon, at isulong ang pantay-pantay na pamamahagi ng yaman, pangkabuhayan, at economic growth sa buong bansa.
Naglalayun din ang naturang panukala na maihanda ang bansa sa pagresponde sa panahon ng pandemics at iba pang krisis na kahalintulad sa kasalukuyang nararanasan nating COVID-19 health emergency.
Sa kanyang sponsorship speech, sinabi ni Go, na ang COVID-19 pandemic “has exposed and brought to the surface many of our country’s perennial problems, including congestion in our urban centers, particularly in Metro Manila.”
“Such problem results in a whole lot of other issues, including poverty, economic inequality, traffic jams, environmental issues, among others,” saad ni Go.
“More importantly, overcrowding in Metro Manila makes it more difficult to contain diseases here, putting us all at risk for future pandemics,” dagdag pa nito.
Ipinunto ng mambabatas ang datus mula sa Department of Health na nagsasabing sa 8,772 na tinamaan ng COVID-19 infection as of May 1, 2020, ay 5,968 ang nagmula sa NCR o 68% ng kabuuang bilang sa bansa.
Ipinunto din sa resolusyon ni Go ang pag-aaral mula ng Asian Development Bank na nagsasabing ang Metro Manila ang pinakamasikip na Lungsod sa Asya na may populasyon na higit sa limang milyon katao.
Ang sobrang trapik pa lamang ay ikinalulugi na ng ekomomiya ng P3.5 billion pesos kada araw at kapag mas lumala pa ang sitwasyon ay aabot ito ng P5.4 billion kada araw sa 2035 kapag walang hakbang na gagawin, Ayon sa pag-aaral na ginawa ng
Japan International Cooperation Agency.
Ipinaliwanah ni Go na dahil sa pagsisikip ay nalalantad ang Metro Manila sa outbreaks ng sakit at nagiging mahirap sa gobyerno na sugpuin ang pandemics sa national capital.
“Given the nature of the virus and the manner by which it is spread between individuals, highly dense communities in Metro Manila explain why nearly seven out of ten infected Filipinos are found in the nation’s capital,” dagdag pa nito.
At para maibsan ang congestion sa metropolis, ay iginiit ng senador ang pangangailangan para mapaunlad ang kalidad nang pamumuhay sa bansa at mapaunlad ang access to quality social services, lalo na sa mga kanayunan sa pamamagitan ng “Balik Probinsya” program.
“The proposed program is envisioned as a multi-sectoral comprehensive program to decongest Metro Manila by helping stranded workers and OFWs, assisting people who want to relocate to the provinces, and encouraging people to settle down in the provinces for good,” sabi ni Go sa kanyang talumpati.
Ayon kay Go, ang “Balik Probinsiya” program ay maghihimok din sa informal settlers at mga nakatira sa danger areas na lisanin ang Metro Manila at bumalik sa kanilang home provinces sa pamamagitan ng pagkakaloob sa kanila ng disenteng pabahay, mabilis na access sakey services, nearby schools, job at livelihood opportunities at maging sa small-business support sa grassroots level, at marami pang iba.
“Kasi kami pong mga probinsyano, we are always fascinated na dito sa Maynila maganda, kumpleto rito, nandirito na lahat… Pero ngayon, gaya ng sinabi ni Senator Gordon, 8 out top 10 po na pumasa sa Bar (exams), they came from the provinces,” Sabi ni Go.
Idinagdag pa nito na apektado ang paghahatid ng social services sa pagkaka-istranded ng mga manggagawa sa Metro Manila habang umiiral ang ECQ at habang ang kanilang pamilya ay nasa mga probinsiya.
“Alam ninyo po, isa rin po sa mga dahilan kaya maraming hindi nakakatanggap ng mga Social Amelioration dahil ‘yung iba po ay nandun sa probinsya ang kanilang mga pamilya, habang nagtatrabaho sila dito,” Sabi ni Go.
“Madami pong mga stranded na mga workers na napapabayaan lang po diyan sa construction site nila, na gusto na rin pong umuwi,” dagdag pa nito.
Suportado naman ng kapwa Senador nito na si Richard Gordon ang inilahad na resolusyon ni Go.
“Sana po, sa pamamagitan ng Balik Probinsya Program, mabigyan ng bagong pag-asa ang mga Pilipino na makakabangon muli pagkatapos malampasan ang krisis na ito. Magbayanihan po tayo,” Sabi ni Go.
“Together, let us heal as one and give Filipinos ‘hope’ for a better tomorrow,” Pagtatapos nito.
-End