Resolusyon para imbestigahan ang anti-vaccine propaganda ng US, inihain na sa Senado

FILE PHOTO

Inihain na ni Senator Imee Marcos ang resolusyon para imbestigahan ang anti-vaccine propaganda ng US military laban sa China noong panahon ng pandemya.

Sa Senate Resolution 1052, inaatasan ni Marcos ang sariling komite na Senate Committee on Foreign Relations para siyasatin ang kinumpirmang report ng US Pentagon na mayroong ginawang “secret operation” para siraan ang SINOVAC ng China sa Pilipinas.

Ayon kay Marcos, ang napaulat na anti-vax at misinformation campaign ng Estados Unidos ay lubhang naging banta sa ating national security at sa kalusugan ng publiko.


Layon ng ikakasang imbestigasyon na i-verify ang sinasabing kampanya laban sa China ng US at kung lumabas na ito ay totoo ay tutukuyin ang mga naging epekto ng hakbang na ito ng US military.

Partikular na sisilipin kung may nilabag na international law ang US at kung ano ang posibleng legal na hakbang na maaaring gawin ng Pilipinas.

Facebook Comments