Resolusyon para maidaan sa teleconferencing ang plenary session ng Senado, inihain ng 15 Senador

Inihain ng 15 mga Senador ang Senate Resolution Number 372 na nagsusulong na idaan sa teleconference ang muling pagbubukas ng session simula May 4.

Ang resolusyon ay inihain at pirmado na nina Senators Juan Miguel Zubiri, Ralph Recto, Franklin Drilon, Sonny Angara, Nancy Binay, Pia Cayetano, Bato Dela Rosa, Sherwin Gatchalian, Lito Lapid, Imee Marcos, Manny Pacquiao, Grace Poe, Bong Revilla Jr, Joel Villanueva at Cynthia Villar.

Target ng resolusyon na amyendahan ang senate rules para mapahintulutan ang teleconference o video conference na pagsasagawa ng kanilang plenary session, at mga committee hearings.


Tinukoy sa resolusyon ang dalawang proclamation order na inilabas ni pangulong rodrigo duterte na nagdedeklara ng public health emergency at state of calamaity sa buong bansa dahil sa COVID-19 pandemic.

Ang nabanggit na mga proclamation ang sandigan ng umiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ) na pinalawig hanggang May 15.

Sa ilalim ng ECQ, bawa ang mga pagtitipon para maiwasan ang pagkalat ng virus kaya iginigiit ng mga senador na mas mainam na idaan na lang sa teleconference ang kanilang plenary sessions sa halip na magpunta at masama sama silang lahat sa Senado.

Binigyang diin sa resolusyon na dapat matiyak ang pagtupad ng Kongreso sa mandato nito habang pinoprotektahan ang kaligtasan at kalusugan ng mamamayan.

Facebook Comments