Resolusyon para maimbestigahan ng Senado ang pagbawi ng kasong murder sa mga sangkot sa pagpatay kay Mayor Espinosa, inihain ni Senator Aquino

Manila, Philippines – Inihain na ngayong hapon ni Minority Senator Bam Aquino ang senate resolution number 413 na nagsusulonG ng imbestigasyon sa pagbawi ng Department of Justice sa kasong murder laban 19 tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), sa pangunguna ni Supt. Marvin Marcos.

Kaugnay ito sa pagpatay kay dating Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa habang nakaditine sa Baybay Sub Provincial Jail.

Ang hakbang ni Aquino ay makaraang ibaba ng Department of Justice sa kasong homicide ang naunang rekomendasyon noong March 2 na sampahan ng kasong murder ang nasabing mga pulis.


Giit ni Aquino, dapat ipaliwanag ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang nasabing hakbang.

Tinukoy ni Aquino na malinaw sa findings ng National Bureau of Investigation at pagdinig na isinagawa ng Committee on Public Order and Dangerous Drugs at Committee Justice and Human Rights na pinagplanuhan o sinandyang patayin si Mayor Espinosa.

Facebook Comments