Umaasa ang kampo ng pamilya Degamo na magkakaroon na rin ng resolusyon ang isyu ng terorismo laban kay Suspended Negros Oriental Cong. Arnolfo Teves Jr.
Ayon kay Atty. Levito Baligod, ito’y upang masampahan na rin ng reklamong terorismo si Teves at iba pa kaugnay ng pagpatay sa 10 katao at pagkakasugat sa 14 na iba pa sa Negros Oriental
May mga impormasyon aniya sa pag-usad ng imbestigasyon pero ayaw niya pangunahan ang Department of Justice (DOJ) sa anumang anunsiyo hinggil dito.
Kung magkakaroon rin ng pagpigil o pag-freeze sa assets ng mga Teves ay kasabay ito ng posibleng paghahain ng reklamong terorismo dagdag pa ni Baligod.
Ang pahayag ni Baligod ay kasunod ng nakanselang preliminary investigation ng DOJ sa kasong pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo matapos hindi sumipot si Teves kaya’t itinakda ang pagdinig sa June 27.