Inaasahang mailalabas na sa Lunes, Enero 11, ang resolusyon sa kaso ni Police Master Sergeant Jonel Nuezca na nakapatay sa mag-inang Sonya at Frank Anthony Gregorio sa Paniquie, Tarlac.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief General Debold Sinas, mayroong hanggang ngayong linggo ang Internal Affairs Service (IAS) para tapusin ang imbestigasyon sa kasong administratibo laban kay Nuezca.
Aniya, si National Capital Region Police Office (NCRPO) Acting Director Police Brigadier General Vicente Danao ang magpapasya kung susunod siya sa rekomendasyon ng IAS dahil si Nuezca ay naka-assign sa Parañaque City Police Crime Laboratory.
Sa ngayon, si Nuezca ay nasa kustodiya na ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Paniqui, Tarlac.
Facebook Comments