Resolusyong bubusisi sa kapalpakan ng Toll Regulatory Board sa RFID, inihain ni Senator Sherwin Gatchalian

Naghain ng resolusyon si Senador Sherwin Gatchalian para busisiin ang minimum performance standards compliance ng toll operators na nakapaloob sa concession agreements sa pamahalaan kasunod ng kapalpakan sa Radio Frequency Identification Device (RFID).

Ayon kay Gatchalian, sa inihain niyang Senate Resolution No. 587, nararapat lamang na mabusisi ang mandato ng Toll Regulatory Board (TRB) lalo’t binigyan ito ng kapangyarihang humawak sa lahat ng toll roads.

Kasabay nito, nanawagan din si Gatchalian na Vice Chairman ng Senate Economic Affairs Committee ng toll holiday kasabay ng dumaraming reklamo mula ng mga motorista sa RFID sensors na siyang isang dahilan ng pagbigat ng dalot ng trapiko.


Matatandaang una nang nangako ang pamunuan ng North Luzon Expressway (NLEX) na hahanap sila ng solusyon para mailatag nang maayos ang cashless transaction sa mga toll at mapabuti ang lagay ng trapiko sa expressways sa mga susunod na araw.

Facebook Comments