Hinihikayat ni Senator Robinhood Padilla ang Senado na makiisa sa panawagang ceasefire o tigil putukan sa Gaza.
Hanggang sa ngayon kasi ay patuloy pa rin ang mga pagganti na pag-atake ng Israel laban sa mga Hamas.
Inihain ni Padilla ang Senate Resolution 880 na humihimok sa Mataas na Kapulungan na suportahan ang panawagang mag-ceasefire na sa Gaza.
Inuudyukan din ng panukala ang Senado na ipanawagan ang malayang humanitarian access sa Gaza alinsunod sa International Humanitarian Law (IHL).
Tinukoy sa resolusyon ang inaprubahan ng United Nations Security Council (UNSC) kung saan inaapela ang humanitarian pause sa Gaza Strip para makapasok doon ang mga kinakailangang kagamitan at serbisyo gayundin ang panawagan ng mga organisasyon sa United Nation (UN) na humanitarian ceasefire.