Resolusyong kumokondena sa red-tagging sa mga organizers ng community pantry, inihain sa Senado

Inihain ni Senator Risa Hontiveros ang Senate Resolution Number 705 na kumukondena sa panggigipit at red- tagging ng mga taga-gobyerno sa mga organizer ng community pantry.

Nakasaad sa resolusyon ang pag-amin ni National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Spokesperson Lt. Gen. Antonio Parlade Jr., sa profiling sa mga organizers ng community pantry.

 

 

Kwestyon ni Hontiveros, bakit isusuplong ang mga tumutulong sa mga nangangailangan ngayong may krisis dulot ng COVID-19 pandemic.


Giit ni Hontiveros, ang red-tagging laban sa mga nasa likod ng community pantry ay undemocratic, at pagpapahirap din sa mga Pilipino na nagdurusa na dahil sa pandemya.

Ayon kay Hontiveros, sa halip na gipitin at pagbantaan ay dapat pa ngang papurihan ang mga nagtatayo ng community pantry.

Dahil dito ay hiniling ni Hontiveros sa pamahalaan na suportahan at proteksyunan ang mga organizer ng community pantry para mas mapalawak pa at mas marami pang kababayan nating nangangailangan ang maabutan ng tulong.

Facebook Comments