Resolusyong kumokondena sa pagbanat ni Gen. Parlade sa mga Senador, planong ihain sa Senado

Maghahain si Senate Minority Leader Franklin Drilon ng isang resolusyon na komokondena sa pahayag laban sa mga Senador ni National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC Spokesman Lt. Gen. Antonio Parlade Jr.

Tugon ito ni Drilon sa sinabi ni Parlade na “stupid” ang mga senador na nagsusulong na irealign o ilipat sa pagtugon sa pandemya ang 19-bilyon pisong pondo ng NTF-ELCAC.

Ayon kay Drilon, ngayon lang sya nakarinig ng isang opisyal ng armed forces na sinasabing istupido ang mga senador na nagpapakita ng kawalan ng respeto at hindi nararapat.


Katwiran ni Drilon, kung hindi sila magkasundo ni Parlade ay hindi sila dapat tawaging istupido dahil hindi pagiging istupido ang kapangyarihan ng Kongreso na mag-allocate ng pera sa ilalim ng Saligang Batas.

Giit ni Drilon, hindi dapat palampasin ang pagiging arogante ni Parlade dahil masasanay ito na hindi respetuhin ang Senado.

Facebook Comments