Inaprubahan na ng National Price Coordinating Council o NPCC ang resolusyong mag-uudyok sa Department of Agriculture (DA) na magdeklara ng food security emergency, lalong-lalo na sa produkto ng bigas.
Ayon kay Trade Secretary Maria. Cristina Roque, na siya ring Chairman ng NPCC, kailangan ang deklarasyon para maglabas ng buffer stock ang National Food Authority (NFA).
Matatandaan na batay sa Rice Tariffication Law, mag-iimbak lang ng bigas ang mandato ng NFA para sa mga nangyayaring kalamidad.
Pabor naman si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. sa naturang hakbang ng NPCC, lalo’t plano niyang ibenta ang NFA rice ng P38 sa mga lokal na pamahalaan sa National Capital Region (NCR).
Paliwanag pa ni Laurel na maliban sa LGUs, target din itong ibenta sa mga pulis at sundalo.
Giit ni Laurel na sa kanilang ginawang pag-iinspeksyon sa mga palengke sa Pasig City ay resonable naman ang presyo ng mga bilihin sa merkado.