Resolusyong magbabawal sa paggamit ng videoke machines sa mga barangay, iminumungkahi ng PNP

Iminumungkahi ng Philippine National Police (PNP) sa mga local government ang pagkakaroon ng resolusyon na nagbabawal sa paggamit ng videoke machines.

Kasabay ito ng opisyal na pagbubukas ng school year 2020-2021 para malimitahan ang paggamit ng videoke machines at hindi maka-istorbo sa mga estudyante.

Ayon kay PNP Chief Police General Camilo Cascolan, kasama ito sa plano na magkaroon ng maraming barangay assitance centers kung saan magtatalaga ng ilang pulis upang magbantay.


Nangako rin sila na susuportahan ang Department of Education (DepEd) sa pamimigay ng learning materials at modules.

Siniguro rin ng PNP ang pagbibigay seguridad at kaligtasan sa mga campus at school zones lalo na university belts ng urban centers.

Facebook Comments