Resolusyong magpapahintulot sa mga menor de edad na lumabas ng tahanan, aprubado na ng MMC

Inaprubahan na ng Metro Manila Council (MMC) ang resolusyong magpapahintulot sa mga menor de edad na lumabas ng tahanan sa ilalim ng alert level 3.

Batay sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Resolution Number 21-24, papayagan na ang intrazonal at interzonal travel sa mga kabataang edad 18 pababa bilang bahagi ng unified restrictions.

Pero ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos, epektibo lamang ito kung may kasamang magulang o guardian ang mga kabataan tuwing lalabas ng tahanan.


Bagama’t maaari namang magpatupad ng restrictions ang Local Government Units (LGUs), sinabi rin ni Abalos na hindi dapat ito katulad ng nakasaad sa guidelines sa ilalim ng Alert Level 4.

Facebook Comments