Nagpasa na ng resolusyon ang pitong senador mula sa US na humihimok sa gobyerno ng lahat ng bansa, na palayain na ang mga babaeng bilanggo kabilang na si Senator Leila de Lima.
Sa ilalim ng US Senate Resolution No. 342 na inihain sa 117th Congress nitong August 7, siyam na senador ang nagpahayag ng kagustuhang palayain ang mga babaeng bilanggo.
Kinabibilangan ito ni Senator Robert Menendez na sponsor ng resolusyon kasama ang mga co-sponsors na sina Senators Benjamin Cardin, Tim Kaine, Edward Markey, Jeff Merkley, Brian Schatz, Chris Van Hollen, Jeanne Shaheen at Christopher Coons.
Maliban kay De Lima, nais din ng mga senador na palayain sina Li Yuhan, isang human rights lawyer at Zhang Zhan, isang citizen-journalist na ikinulong dahil sa pagpapalabas ng impormasyon kaugnay sa COVID-19 sa Wuhan, Hubei province sa China.