Sinuspinde na muna ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang implementasyon sa resolusyon nitong nagpapahintulot sa mga batang edad 5 taong gulang at pataas na makalabas ng kanilang bahay.
Ito ay makaraang ibalik ng IATF ang Metro Manila at iba pang lugar sa bansa sa General Community Quarantine (GCQ) “with heightened restrictions” dahil sa banta ng Delta variant.
Samantala, sa isang panayam, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na magsasagawa muna sila ng assessment sa loob ng isa hanggang dalawang linggo.
Kung makita nila na hindi naman nagtuloy-tuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 ay posibleng payagan muling makalabas ang mga bata.
Kahapon, nang kumpirmahin ng DOH na mayroon nang local transmission ng Delta variant sa Pilipinas.
Facebook Comments