Manila, Philippines – Pinagtibay ng Senado ang isang resolusyon na nananawagan kay Pangulong Rodrigo Duterte at road board na huwag nang maglabas ng pondo sa susunod na taon.
Ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, hindi na dapat galawin ang mga pondong nasa pangangasiwa ng road board dahil malapit nang maisabatas ang pagbuwag dito.
Aniya, mandato ng road board na pangasiwaan ang koleksyon mula sa Motor Vehicle Users’ Charge (MVUC) na kinokolekta kapag inirerehistro ang sasakayan.
Giit ni Drilon, esklusibo ang pondo ng road board para sa maintenance at improvement ng mga drainage sa mga lansangan, pagpapagawa ng traffic lights at mga road safety devices pati ang mga gamit sa air pollution control.
Pero nagkaroon aniya ng alegasyon na naaabuso at napunta sa katiwalian ang pondo ng road board.