Manila, Philippines – Inihain ngayon nina Senate President Tito Sotto III, Senate President Franklin Drilon at Committee on National Defense and Security Chairman Senator Panfilo Ping Lacson ang Senate Resolution number 312.
Ipinapahayag ng resolusyon ang Sense of the Senate o nagkakaisang panawagan kay Pangulong Rodrigo Duterte na irekonsidera ang plano nitong pagpapawalang-bisa sa Visiting Forces Agreement o VFA sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.
Nakasaad sa resolusyon na makabubuting huwag munang ibasura ang VFA lalo at magsasagawa pa ng pag-aaral o pagrepaso ang Senado sa magiging epekto ng kagustuhan ng Pangulo.
Layunin ng hiling ng Senado na matiyak ang patuloy na kaligtasan, at seguridad ng ating bansa at Asia Pacific at mapanatili ang kasalukuyang balance of power sa buong rehiyon.
Ang nabanggit na resolusyon ay isasalang pa sa plenaryo para aprubahan o pagtibayin ng mga senador.