Muling ibinalik ni dating Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio ang isang resolusyon na reresolba sa agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.
Ito ay ang pagdedeklara sa South China Sea kabilang na ang West Philippine Sea bilang marine protected area.
Ayon kay Carpio, sa oras na maaprubahan ang resolusyon ay kailangang isantabi ng alinmang umaangking bansa ang kanilang intensyong kamkamin ang teritoryo sa loob ng 50 hanggang 100 taon.
Ipagbabawal kasi ang anumang aktibidad ng tao upang mapangalagaan ang likas na yaman sa isang marine protected na lugar.
Habang mahalaga rin aniya itong gawin dahil sa posisyon ng South China Sea na tirahan ng mga isda na pinagkukunan ng suplay ng maraming bansa.
Facebook Comments