Resort sa Chocolate Hills, ipinasara na ng DENR

Nilinaw ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na naglabas na ito ng temporary closure order sa nag- viral na resort sa gitna ng Chocolate Hills, sa Bohol.

Nauna rito, umani ng batikos sa mga netizens ang viral video ng swimming pool sa bisinidad ng itinuturing na iconic na tourist sites ng Pilipinas.

Sa isang pahayag, sinabi ng DENR na nag- isyu na ito ng notice of violation noong January sa may-ari ng Captain’s Peak Resort dahil sa pag-operate nang walang kaukulang Environmental Compliance Certificate o ECC.


Nitong March 13, 2024, iniutos ni Regional Executive Director Paquito Melicor kay PENRO Bohol Ariel Rica, mag-inspection sa compliance ng Captain’s Peak.

Ang Chocolate Hills ay idineklarang National Geological Monument and Protected Landscape sa bisa ng Proclamation No. 1037 na inisyu noon ni dating Pangulong Fidel Ramos.

Ibig sabihin, anumang land development sa protected area ay mangangailangan ng Environmental Impact Statement bago mabigyan ng Environmental Compliance Certificate o ECC.

Facebook Comments