Resort sa gitna ng Chocolate Hills sa Bohol, ipasisilip ng Senado

Ipatatawag ng Senado ang Department of Environment and Natural Resources (DENR), Protected Area Management Board (PAMB), Bohol Environment Management Office (BEMO), Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) at ang lokal na pamahalaan ng Bohol kaugnay sa nag-viral na ipinatayong resort sa gitna ng Chocolate hills sa Bohol.

Inihain ni Senate Committee on Tourism Chairperson Nancy Binay ang Senate Resolution 967 para paimbestigahan ang itinayong resort sa gitna ng Chocolate hills at pagpaliwanagin ang mga nabanggit na ahensya.

Iginiit ni Binay na nakakagalit at nakakadurog ng puso na makitang nakapagpatayo ng resort sa lugar na itinuturing na protected United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization. (UNESCO) geopark.


Unang tingin pa lang aniya ay nakatitiyak na may pagpapahintulot na magkaroon ng resort na mayroon pang cottages at swimming pools na itinuturing na isang ‘classified natural monument’ sa ilalim ng National Integrated Protected Areas System (NIPAS).

Sinabi ni Binay na nauunawaan niya ang kahalagahan ng development pero dapat ay mayroon pa ring boundaries at hindi dapat idahilan ang tourism development sa nangyaring basta na lang pagbibigay ng Environmental Compliance Certificate (ECC) lalo na kung makakasira ito sa isang natural monument ng bansa.

Facebook Comments