Resorts World Manila, dumulog sa international security experts kasunod ng naging pag-atake ng isang gunman na ikinamatay ng 38 katao kabilang ang suspek

Manila, Philippines – Dumulog na sa International Security Experts ang Resorts World Manila kasunod ng naging pag-atake ng isang gunman sa loob ng hotel-casino na kung saan ay nag-iwan ito ng 38 katao na patay kabilang ang suspek.
Ayon sa Chief Operating Officer ng RWM na si Stephen Reilly, ito ang Blackpanda na may specialization sa crisis response, risk management at security counseling.
Dagdag ni Reilly, malawak ang karanasan ng Blackpanda sapagkat saklaw nito ang mahigit 1000 misyon sa 50 bansa at 6 na kontinente.
Aniya, meron narin record ang security company pagdating sa peacetime advisory operations at maging sa counter-terrorist combat missions.
Ipinagmalaki rin ni Reilly na ang mga tauhan ng Blackpanda ay nakapagsilbi narin sa mga matataas na antas ng military special operations sa US, Canada, New Zealand at Philippines.
Matatandaan na sinuspindi na ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang lisensiya ng Resorts World dahil sa hindi nito pagsunod sa advisory nito na magdagdag ng security measures sa casino bago pa man nangyari ang naturang insidente.
DZXL558

Facebook Comments