Resorts World Manila, handa nang buksan ang kanilang mga casino

164

Manila, Philippines – Handa na ang Resorts World Manila (RWM) na muling magbukas at magpatuloy ng operasyon.

Ito’y matapos suspendihin ang kanilang casino operation dahil sa pag-atake ng gunman na si Jessie Carlos noong June 2.


Ayon kay Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) Chairman Andrea Domingo – hiniling ng pamunuan ng rwm na mabuksan muli ang kanilang casino.

Pero kailangan aniya na maging pormal ang request ng RWM para sa pagbawi sa suspension order.

Sinabi naman ni RWM – na natanggap na ng mga nasugatan ang 500,000 na financial assistance.

Aniya, ang pamilya na lamang ng anim sa 37 namatay ang hindi pa nakakatanggap ng isang milyong pisong assistance.




Tiniyak din ni David Chua – tutulungan din nilang pag-aralin ang mga anak ng mga namatay.

Samantala, hindi naman tututulan ng PAGCOR ang panukalang mag-impose ng tatlong libong pisong entrance fee sa mga casino para mabawasan ang interes ng mga pinoy na magsugal.

Facebook Comments