Wednesday, January 21, 2026

Resorts World Manila, isinailalim sa lock down

Manila, Philippines – Isinailalim na sa lockdown ang Resorts World Manila (RW) matapos bulabugin ng pamamaril ng isang dayuhang armadong lalaki.

Ayon kay RW Chief Operating Officer Stephen Reilly – ligtas na ang mga guest at empleyado na agad lumabas nang mangyari ang insidente.

Aniya, wala silang opisyal na impormasyon sa pagkakakilanlan ng lalaking responsible sa pamamaril.

Nanindigan naman ang RW na sinunod nila ang mga emergency protocols para matiyak ang kaligtasan ng mga guest at kanilang mga empleyado.

Kasabay nito, humingi naman ng panalangin at pang-unawa ang pamunuan ng RW para sa mabilis na pagresolba ng pangyayari.
DZXL558

Facebook Comments