Manila, Philippines – Nangako ang Resorts World Manila na magbibigay ang mga ito ng tulong para sa mga naiwang pamilya ng mga biktima ng pag-atake sa casino.
Ayon kay RWM President Kingson Sian, bumuo na sila ng foundation para tulungan ang mga naulilang anak ng mga biktima.
Alinsunod na rin sa may-ari ng Resorts World Manila na si Andrew Tan, sagot nito ang edukasyon ng mga anak ng mga biktima hanggang sa magkolehiyo.
Ipinag-utos na rin ni Tan ang pag-release ng 1M na ayuda sa mga pamilya ng mga biktima.
Sa kabilang banda ay iginigiit naman ng RWM na sa kabila ng nasa 38 nasawi sa insidente ay gumana pa rin ang kanilang safety and security measures dahil ligtas na nakalabas ang nasa 12,100 guests at employees ng casino.
Katwiran dito, bukod sa panic ay hindi lumabas ng mga kwarto sa 2nd floor ang mga nasabing biktima dahil na rin sa takot sa pagpapaputok ng baril ng gunman na si Jessie Carlos.
Sa panig naman ng Philippine Economic Zone Authority, nakapagcomply naman ang RWM sa mga hinihinging requirements at nakakapasa sa annual inspection ng PEZA.
Bukod sa permit sa PEZA, may hiwalay pa na permit ito sa LGU ng Pasay.
Samantala, bagamat nagpapatuloy pa rin ang pagdinig sa insidente sa resorts world, may 1st batch naman ng mga kongresista ang nagsagawa ng ocular inspection sa loob ng casino.
Hindi naman pinayagan ang media na sumama at makapasok sa ocular inspection na ginagawa sa Resorts World.
DZXL558