Resorts World, Manila – nangako ng isang milyong pisong tulong pinansyal sa bawal pamilya ng nabiktima ng casino attack

Manila, Philippines – Nangako ang pamunuan ng Resorts World Manila ng isang mil­yong pisong tulong pinansyal sa bawat pamilya ng nasawi sa nangyaring pag-atake ng isang gunman nitong Biyernes.

Ayon kay RWM Chief Operating Officer Stephen Reilly – bagamat hindi matutumbasan ng nasabing halaga ang buhay ng mga biktima, makakatulong pa rin aniya ito sa mga naulila.

Sinabi naman ni RWM Chief Operating Officer Armeen Gomez – nang tinutugis na ng kanilang security team ang gunman na si Jesse Carlos ay agad na silang tumawag sa pulisya.


Sinimulan na nilang in-evacuate ang higit 12,000 guest at empleyado ng hotel-casino.

Sa CCTV footage ng RWM, ipinakita ng National Capital Region Police Office ang pagpasok ng gunman sa lobby at pagbuhos ng gasolina sa carpet ng hotel.

Samantala, nakatakdang isailalim sa dna testing at denture examination ang nasunog na katawan ng gunman.

Isang linggo ring magsasara ang Newport Mall sa loob ng Resorts World Manila upang bigyang daan ang pagsasaayos sa nasira nilang mga pasilidad at gamit kasabay ng pagluluksa para sa mga napaslang sa naganap na pagsalakay.
DZXL558

Facebook Comments