Resources ng gobyerno, nais malaman ng ACT Teachers Partylist kung nagamit sa pagtungo ng pangulo sa Singapore para manoond ng Grand Prix

Isang malaking tanong para kay House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Partylist Rep. France Castro kung nagamit ba ang resources ng pamahalaan sa pagtungo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Singapore kung saan siya nanood ng F1 Grand Prix nitong weekend.

Pangunahing nais malaman ni Castro sa Malacañang at sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ay kung ginamit ba ni Pangulong Marcos ang G280 Gulfstream Command and Control aircraft sa naturang byahe.

Diin ni Castro, isang matinding latay sa mga nagugutom na Pilipino kung totoo ginamit ni Marcos ang government resources para sa isang personal at maluhong byahe sa Singapore kahit hindi pa nakakabangon ang ating ekonomiya.


Giit ni Castro, ang buong Singapore Grand Prix ng pangulo ay nagpapakita umano ng kawalan ng pakialam sa hanay ng mga naghihirap na Pilipino.

Facebook Comments