RESPETO | Paolo Duterte, pinatunayan na hindi kapit tuko sa pwesto?

Manila, Philippines – Parang kay Senate Majority Leader Tito Sotto III lalo ngayong umani ng respeto si Presidential son Paolo “Pulong” Duterte.

Ang pahayag ni Sotto ay kasunod ng ginawang pagbibitiw ni Duterte bilang Vice Mayor ng Davao City.

Naniniwala si Sotto na may mga personal na dahilan si Pulong sa kanyang naging hakbang.


Pero malinaw aniya na naipakita ni Pulong ang pagrespeto sa delicadeza at karangalan.

Giit pa ni Sotto, pinatunayan din ni Pulong na hindi ito kapit tuko sa posisyon.

Facebook Comments