RESPETO SA KARAPATAN | Pangulong Duterte, nakipagpulong kay Ambassador Amid tungkol sa kalagayan ng mga OFW sa Kuwait

Manila, Philippines – Nakipagpulong kagabi si Pangulong Rodrigo Duterte kay Kuwaiti Ambassador to the Philippines Saleh Ahmad Althwaikh Amid.

Iginiit ng Pangulo kay Amid na sakaling mayroon pang isang OFW na mamatay o abusuhin sa Kuwait ay posibleng pauwiin ang lahat ng Pinoy mula sa naturang bansa.

Nilinaw din ni Duterte na hindi niya nais makipag-alitan sa Kuwait pero dapat irespeto nito maging ng iba pang Arab nations kung saan maraming Filipino ang karapatan ng mga OFW at tratuhin sa makataong paraan.


Una nang sinuspindi ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagpapadala ng OFW sa Kuwait dahil sa mga ulat ng pang-aabuso sa mga manggagawang Pinoy.

Facebook Comments