RESPONDE SA PETITION KONTRA MICROCHIPPING, BINIGYANG TUGON NG CVAO

Baguio, Philippines – Sa isang online petition na tinawag na “Baguio Against Mandatory Microchipping” ang kumakalat sa social media para mabigyang pansin at humingi ng reconsiderasyon sa mga opisyal ng City Veterinary and Agriculture Office (CVAO) para sa isinusulong nilang ordinansa na pagkakaroon ng mandatoryong pagpaparehistro at pagpapa-microchip sa mga alagang aso.

Ang petisyon ay mayroong tatlong ipinupunto na kailangang itama sa nilalaman ng ordinansa na sinagot naman ni CVAO department head, Doktora Brigit Piok.

Una na dito ang mandatoryong pagpaparehistro sa mga alagang hayop na iginiit ng doktora na ito ay kasama sa Republic Act 9482 o ang Anti Rabies Act of 2007 Sec. 5 (b), kung saan lahat ng alangang aso ay dapat marehistro at mas pinalakas pa ang nasabing batas sa pamamagitan ng City Ordinance 60 series of 2020, Section 6 na kapag nasa tatlong buwang pataas na ang alagang hayop ay kailangan na itong iparehistro sa pamamgitan ng mas registration sa mga barangay at bibigyan lamang ng registration certificate pagkatapos ng maturukan ng microchip ang mga aso.


Pangalawang petisyon ang 3 days holding para sa mga na-impound na aso na kapag walang may-aring kumuha sa kanila ay maari ng “dispose” na nilinaw naman doktora na ibig sabihin ay sa pamamagitan ng pag-ampon, para sa mga scientipikong pag-aaral o pagpapahingain na sa pamamagitan ng euthanasia o mercy killing, kung saan para maiwasan ito, hinihikayat ni Doktora Piok ang mga indibidwal na may balak mag-alaga ng aso na mag-ampon ng nasa kanilang tanggapan na araw-araw bukas para sa mga aampon.

Pangatlo sa petisyon ang pagbibigay ng mga alternatibo para sa responsibilidad ng pet owners kung saan, hindi sinagot ng doktora ang panawagan na libreng rehistro, libreng microchip, bagkus, nagbibigay di umano ang lokal na gobyerno ng libreng bakuna at Llibreng serbisyo medical para sa mga alagang hayop ngunit limitado lamang ito sa dalawang aso at prioridad ang mga Aspin at Pusapin at dagdag pa nya na para maiwasan ang abala sa pandemya, sa mga nag-aalaga ng madaming aso, maaring iparehistro ang mga ito ng isa kada buwan at nagpaalala muli ang doktora na maging responsible sa pagaalaga ng mga hayop at dapat may alam din sa mga kaukulang batas at ordinansa ang mga ito na kailangang sundin.

Samantala, ang petisyon ay umabot na ng nasa higit na 1500 myembro at nadadagdagan pa.

Facebook Comments