RESPONDE SA SAKUNA | Panukala tungkol sa Disaster Risk Redution and Management, pinase-certify na urgent

Manila, Philippines – Hiniling ni Iligan City Rep. Frederick Siao sa pagbabalik ng sesyon na sertipikahan na bilang urgent ang mga nakabinbin na panukala tungkol sa Disaster Risk Redution and Management (DRRM).

Giit ni Siao, inter-city o metropolitan solutions laban sa mga kalamidad ang kailangan nila sa Mindanao lalo pa’t palagi na ring nasasalanta ng bagyo, lindol at iba pang emergency ang rehiyon.

Layon ng panukala ang mabilis na pagtugon sa disaster upang maiwasan ang casualties at mabigyan ng ayuda ang mga biktima ng kalamidad.


Para mapabilis ang pag-certify sa DRRM Act of 2010 ay hinimok ni Siao ang Department of Budget and Management at National Economic Development Authority na irekomenda sa Pangulo na madaliin ang pagsasabatas sa panukala.

Iminungkahi din ng kongresista na gumawa ang DBM at NDRRMC ng isang capacity building program para sa mga coastal at river basin na LGU lalo na iyong mga 4th, 5th, at 6th class municipalities na kapos sa pondo.

Facebook Comments