Cauayan City – Isinagawa noong araw ng sabado, ika-27 ng Hulyo ang Final Round ng Responders on Disaster Challenge 2024, sa Hacienda De San Luis, Cauayan City, Isabela.
Sumabak sa kompetisyon ang mga finalist mula sa Inter-Agency Task Force na kinabibilangan ng Tactical Operations Group 2 Philippine Airforce, 2nd Isabela Police Mobile Force Company, at Cauayan City Police Station SWAT team, habang mula naman sa Volunteer Groups ay ang grupo ng PMO Cauayan, Kaakibat Civicom Cauayan City, at Kabalikat Radiocom.
Samantala, sa barangay category naglaban-laban ang mga winners mula sa iba’t-ibang Rehiyon sa lungsod ng Cauayan kabilang na ang Brgy. Marabulig 1, Brgy. Andarayan, Brgy. Culalabat, Brgy. Casalatan, at Brgy. Alicaocao.
Ilan lamang sa mga obstacles at challenges na kanilang sinuong ay ang Maze Operation, Clearing Operation, Emergency Patient Evacuation, Fire Suppression Operation at marami pang iba.
Nakatakda namang ihayag ang magwawagi sa bawat kategorya ngayong araw ng Lunes, ika-29 ng Hulyo.