RESPONSABLE AT LIGTAS NA KABATAAN, ITINUTURO SA MGA PAARALAN SA BASISTA

Sa layuning mahubog ang mas ligtas at responsableng kabataan, bumibisita ang mga kapulisan sa mga paaralan sa Basista upang magbigay ng kaalaman at gabay hinggil sa mga nararapat malaman at isagawa para sa kanilang kaligtasan.

Nitong Miyerkules, napadpad sa Bayoyong National High School ang kapulisan upang talakayin ang ilang batas sa mga mag-aaral upang maaga nang maiwas sa bisyo, karahasan at iba pang mapanganib na impluwensiya.

Sa halip na nakatuon lamang sa pagpapatupad ng batas, binigyang-diin ng aktibidad ang pagpapalakas ng kamalayan ng mga mag-aaral hinggil sa personal na kaligtasan, respeto sa kapwa, at tamang pagpapasya.

Kabilang din sa ipinabatid ang masamang epekto ng ilegal na droga, ang kahalagahan ng Republic Act No. 10627 o Anti-Bullying Act of 2013, at mga praktikal na safety tips laban sa kriminalidad.

Ang aktibidad ay bahagi ng pinatitibay na ugnayan ng paaralan, komunidad, at kapulisan alinsunod sa adbokasiyang makapagtatag ng mga mamamayang handa sa anumang banta sa kaligtasan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments