
Sinampahan na ng Quezon City Police District (QCPD) ang responsable sa pagbagsak ng palitada mula sa isang condominium sa Tomas Morato.
Kabilang sa mga sinampahan ng kasong Reckless Imprudence Resulting in Two (2) Counts of Serious Physical Injuries ang mga opisyal at empleyado ng JCRV Properties Incorporated/JCRV Land and Holdings Inc., Atherton Condominium Corporation, Smart Communications Inc., at Edgepoint Towers Inc. kaugnay ng insidente ng pagbagsak ng palitada noong August 12 sa Tomas Morato Avenue, Quezon City.
Bumuo naman ang QCPD ng Special Investigation Team (SIT) upang tutukan ang kaso, katuwang ang mga technical experts at mga concerned agencies sa pangangalap ng ebidensya, pag-imbestiga sa kondisyon ng gusali, at pagtukoy sa mga responsable sa insidente.
Matatandaang nasawi sa insidente ang isang menor de edad at nasugatan naman ang dalawa pang estudyante matapos mabagsakan ng palitada mula sa naturang condominium.









