RESPONSABLENG PAGPO-POST SA SOCIAL MEDIA NGAYONG KAPASKUHAN, ABISO NG AWTORIDAD KONTRA KRIMINALIDAD

Nagpaalala ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) na maging mas maingat sa paggamit ng social media ngayong Kapaskuhan at Bagong Taon, dahil tumataas ang kaso ng pagnanakaw at online scam kapag sobra ang impormasyon na ibinabahagi ng publiko.

Ayon sa PDRRMO, mahalagang maging responsable sa pagpo-post upang maiwasang magamit ng masasamang-loob ang personal na detalye, lokasyon, at mga aktibidad ng isang tao.

Ilan sa paalala ng ahensya ang hindi pagpo-post ng live location, pag-iwas sa pagbabahagi ng travel dates, at paglilimita ng audience ng posts gamit ang Friends Only o custom settings.

Pinayuhan din ang publiko na huwag magpakita ng mamahaling gamit sa social media at regular na suriin ang privacy settings ng kanilang account.

Binigyang-diin ng ahensya na ang pagiging ligtas online ay bahagi ng pagpapatibay ng proteksyon sa sarili at pamilya laban sa digital threats ngayong holiday season.

Facebook Comments