Iminungkahi ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) – Pangasinan ang pagiging responsable sa pangangampanya ng mga kumakandidato para sa Halalan 2025.
Sa naganap na virtual presser ng PIA Pangasinan, inihayag ni DENR Pangasinan Provincial Environment and Natural Resources Officer forester Raymond Rivera, epekto sa kalikasan ng mga campaign activities partikular na ang pagdidikit nito sa mga puno.
Aniya, kung nadikitan o nabutasan ang mga puno, madali itong pamugaran ng mga peste na pwedeng ikasira ng mga ito.
Dagdag niya, sa pagsasaalang-alang din ng lagay ng panahon, kung kaunti ang pag-ulan, mahihirapan ang paglaki maging ang pagrecover ng mga ito mula sa natamong paninira.
Dahil dito, kinakalampag ng ahensya ang mga aspirante na proteksyonan at maging sensitibo sa maidudulot na pagdikit o paglalagay ng mga campaign materials sa mga puno.
Samantala, sinumang mahuling lumabag sa batas ay may karampatang multa na P500 to P5,000 at pagkakakulong ng anim na buwan hanggang dalawang taon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨









