RESPONSIBILIDAD SA PAG-AARI AT PAGGAMIT NG BARIL, MARIING IPINAALALA SA MGA PULIS

Gamit para sa seguridad, kaligtasan at pagprotekta upang paglingkuran ang mamamayan; yan ang mariin na paalala ni PRO1 Regional Director PBGEN Dindo Reyes ukol sa responsibilidad ng mga pulis sa ipinagkaloob na baril.

Aniya, hindi ito ginagamit para sa pagpapasikat o pansariling aliw kung hindi isa itong sagradong tungkulin at ipinagkatiwala upang gamitin sa pagpapatupad ng tungkuling ma-protektahan ang mamamayan.

Pananagutan rin umano ito kaya ang maling paggamit sa nasabing armas ay naglalagay lamang sa panganib at nagdudulot ng kahihiyan at pagkasira sa dangal ng kanilang institusyon.

Iginiit nito ang disiplina ng mga nasa hanay upang maipamutawi ang kanilang malinaw na gampanin bilang alagad ng batas.

Ang sino man sa hanay na mang-aabuso o lalabag ay mahigpit naman papatawan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments