RESPONSIBLE JOURNALISM | National Press Club, naniniwalang lumabag sa batas ang Rappler

Manila, Philippines – Naniniwala si NPC President Paul Gutierrez na ang pagiging ‘Responsible Journalism’ ibig sabihin umano ay tumatalima sa batas.

Ayon kay Gutierrez ang National Press Club of the Philippines ay nanindigan na hindi dapat maaapektuhan ng Press Freedom at kalayaan ng pamamahayag ang naging desisyon ng Securities and Exchange Commission na ang Online News platform na Rappler, Inc., pero dapat sagutin ng naturang Media Entity ang SEC dahil sa tingin ng NPC ay lumabag umano ang Rappler sa mahigpit na probisyon ng saligang batas na kinakailangang ay 100 percent kontrolado at pagmamay-ari ng Filipino ang mga Media Outfit.

Paliwanag ni Gutierrez na bahagyang naantala ang pahayag ng NPC dahil sinusuri pa ng husto ang naging desisyon ng SEC upang hindi madala sa silakbo ng kanilang damdamin.


Napatunayan ng NPC na base sa 29-na pahinang desisyon ng SEC na maliwanag umanong lumabag ang Rappler Inc.,ng pahintulutan nitong pumasok ang dayuhan na mamumuhunan na nagmamay-ari ng naturang media outfit base na rin sa kanilang isinumiteng dokumento sa SEC.

Facebook Comments