
Bilang bahagi ng paggunita sa Rabies Awareness Month, magsasagawa ng libreng Animal Health Services sa Marso 24, 2026 (Martes), alas-8:00 ng umaga sa San Carlos City.
Isinusulong ng aktibidad ang kampanyang “Protect. Prevent. Care.” upang hikayatin ang mga pet owner na pangalagaan ang kalusugan ng kanilang mga alagang hayop at maprotektahan ang komunidad laban sa rabies.
Kabilang sa mga serbisyong ipagkakaloob nang libre ang anti-rabies vaccination, konsultasyon para sa maliliit na hayop, deworming, at vitamin supplementation para sa mga aso at pusa. Mayroon ding 100 slots para sa castration ng mga lalaking aso at pusa at 50 slots para sa spaying ng mga babaeng pusa.
Para sa mga magpapakapon o magpapa-spay, kinakailangang sumunod sa ilang alituntunin: dapat ay walong oras na fasting bago ang operasyon at malusog ang alaga—hindi buntis, walang pyometra, walang diarrhea, at walang ubo o sipon. Kinakailangang nakatali o nasa kulungan ang alaga, pitong buwan gulang pataas, at may dalang manila paper at blade para sa bawat hayop. Hanggang tatlong alaga lamang ang maaaring dalhin ng bawat may-ari. Ang mga mako-kapon at ma-i-spay ay dapat magsuot ng e-collar pagkatapos ng operasyon. Ipatutupad ang first come, first served basis, at bibigyang prayoridad ang mga residente ng San Carlos City.
Sa pamamagitan ng programang ito, layuning mapalawak ang kaalaman at partisipasyon ng komunidad sa responsableng pag-aalaga ng hayop at sa sama-samang pagsugpo sa rabies |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








