RESPONSIBLE PET OWNERSHIP NG MGA RESIDENTE SA MANGALDAN, MULING IGINIIT

Muling iginiit ng lokal na gobyerno ng Mangaldan ang tama at responsableng pangangalaga ng mga residente sa kanilang mga alagang hayop upang maiwasan na may mabiktima ng rabies.

Ayon kay Atty. Teodora Cedan, Municipal Administrator ng LGU Mangaldan, malaki ang ambag ng mga residente para maipatupad ng maayos ang mga pinaplanong ilunsad na mga inisyatibo upang maiwasan na madadagdagan ang kaso ng rabies sa kanilang nasasakupan.

Aniya, bukod sa pinaplanong Task Force MANTAKER alinsunod sa Republic Act No. 9482 o Anti-Rabies Act of 2007, balak din na magkaroon ng profiling para sa mga alagang hayop ng mga residente sa bawat barangay upang agad na malaman kung sino ang nagmamay-ari ng alagang aso o pusa na posibleng mawala o makawala.

Bukas rin umano ang tanggapan sa mga non-government organizations na nais tumulong o makipag-kolaborasyon upang maisagawa sa tamang pamamaraan ang pagkupkop sa mga mahuhuling aso at pusang gala sa oras na tuluyan na maipatupad ang mga programa at aktibidad para dito. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments