Ang grant facility na tinaguriang Responsive Innovation Fund (RIF) ay magbibigay ng oportunidad sa lahat ng education stakeholders NA makapag-ambag sa paghahatid ng de kalidad na edukasyo sa ARMM.
Ayon kay DEpEd-ARMM Sec. Atty. RasolMitmug, Jr., nais nila na ang bawat isa ay makapag-contribute ng magaling na mga ideya na magreresulta sa pag-inam pa ng learning outcomes ng mga kabataang mag-aaral o magpapatatag pa sa education governance sa rehiyon.
Sinabi pa ni Sec. Mitmug na welcome sa kanila ang mga panukala o suhistyon mula sa mga magulang, guro, LGUs sa ARMM, civil society organizations, local at international development organizations.
Ang RIF, ay isa sa key features ng Education Pathways to Peace in Mindanao (Pathways) ng ARMM, programa na pinondohan ng Australian Government.
Kabilang sa mga prayuridad ng RIF ay ang pagbibigay ng primary education sa mga bata at kabataan na walang access sa eskwela, pagbabalik- paaralan ng mga out-of-school children at youth at ang pagsali ng cultural heritage sa mga aralin at ang pagpapalaganap ng kapayapaan sa pamamagitan ng edukasyon.
Ang RIF grants ay aabot sa P500,000 hangang P4 million.
Responsive Innovation Fund, inilunsad ng DepED-ARMM!
Facebook Comments