Responsive mental health programs, pinabubuo ng Kamara sa mga DepEd, CHED at LGUs

Umaapela si Committee on Health Chairman Angelina “Helen” Tan sa Commission on Higher Education (CHED), sa Department of Education (DepEd) at sa mga Local Government Unit (LGU) na bumuo na ng responsive mental health programs.

Kasabay ng panawagan ang pagdinig ng komite kaugnay sa implementasyon ng Republic Act No. 11036 o Mental Health Act.

Binigyang-diin ni Tan ang kahalagahan na mapabilis ang responsive primary mental health services sa community level kabilang na dito ang mga hakbang para sa suicide intervention, prevention at response strategies.


Kinalampag din ng kongresista ang Department of Health (DOH) na pondohan ang pagtatatag at pagtulong sa operasyon ng mga community-based mental health care facilities sa mga probinsya, lungsod at munisipalidad sa buong bansa.

Layon ng ginawang pagdinig na itaas ang mental health services sa harap na rin ng tumataas na kaso ng mental health related problems o cases na idinulot ng community quarantine dahil sa COVID-19 pandemic.

Hiniling din ng mga kinatawan mula sa CHED at DepEd na magdagdag ng mental health professionals partikular ng mga guidance counsellors para mapalakas ang paghahatid ng mental health services sa mga mag-aaral na nahihirapan sa ilalim ng blended learning mode.

Facebook Comments