Colombia – Dinarayo ang isang kulungan dahil sa restaurant sa loob nito.
At ang nagmamando ng kainan ay mismong mga preso.
Nagtatrabaho ang mga detainee kung saan ang ilan sa kanila ay mga cook habang ang iba naman ay nakatoka sa pagiging waitresses.
Hindi naman ikinakatakot ng mga pumunta dahil maayos ang pamamalakad sa kainan at hindi gumagawa ng gulo ang mga preso.
Sa ganitong paraan, matatanggal ang maling paniwala ng mga tao na hindi maaring magbago ang mga na-convict.
Facebook Comments