Restawran, nakapaghain ng cake na may marijuana sa burol; mga nakipaglamay, na-high

(Image: Getty Images/iStockphoto)

Iniimbestigahan ngayon ang isang 18-anyos na dalaga matapos mauwi sa pagkahilo at pagsusuka ang 13 na bisita sa isang burol sa Rostock, Germany.

Ito ay matapos makapaghain ng cake na mayroong ‘cannabis’ ang isang empleyado ng restawran kung saan ginaganap ang memorial service.

Dahil sa nangyari, kinailangang isailalim sa medical treatment ang mga biktima.


Ayon sa report, wala raw kaalam-alam ang naturang empleyado dahil ang kanyang 18-anyos na anak ang naghahanda ng mga cake para sa mga okasyon.

Sa ulat ng Rostock police spokesman, hindi raw napag-usapan ng mag-ina ang cake nang kumuha siya para ihain sa mga bisita ng naturang lamay.

Samantala, nangyari ang insidente noong Agosto ngunit naireport lamang sa pulisya nitong Martes, Oct. 29, dahil ayaw nila umanong dumagdag sa pagluluksa ng pamilyang namatayan.



Facebook Comments