Restoration projects para sa mga nasirang cultural properties na nasira ng magnitude 7 na lindol noong Hulyo, aabutin ng 675 milyong piso ayon sa NCCA

Inihayag ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) na kakailanganin ng 675 million pesos upang umusad ang restoration projects sa mga nasirang cultural properties na nasira ng magnitude 7 na lindol sa Luzon nitong Hulyo.

Sinabi ni NCCA Chaiperson Rene Escalante, 24 na heritage structures sa Abra, Ilocos Sur at Ilocos Norte ang kailangang sumailalim sa restoration procedures.

Ayon kay Escalante, hahatiin ito sa loob ng dalawang taon kung saan 405 million pesos ang gagamitin sa 2023 at 270 million pesos ang kakailanganin sa 2024.


Ilan sa mga posibleng pagkunan ng pondo para rito ay ang OIffice of the President, PAGCOR, Tourism Infrastructure and Enterprise Zone (TIEZA) at NDRRMC.

Facebook Comments