RESTORATION SA BARANGAY NIBALIW VIDAL SA SAN FABIAN MATAPOS ANG BAGYONG UWAN, NAGPAPATULOY

Patuloy ang malawakang restoration sa Barangay Nibaliw Vidal sa San Fabian, Pangasinan matapos ang matinding pinsalang iniwan ng Super Typhoon Uwan.

Hanggang ngayo’y abala ang mga residente at cottage owners sa pagsasaayos ng mga nasirang ari-arian.

Ayon sa ilang cottage owners, natumba ang mga poste ng ilaw, nabasag ang mga bintana, bumagsak ang ilang shed, at napasukan ng tubig ang mga bahay na malapit sa baybayin.

Sa panayam ng IFM Dagupan, sinabi ng mga residente na ngayon lamang nila naranasan ang ganitong kalubhang storm surge sa kanilang lugar, na mas malala pa kaysa sa epekto ng mga nagdaang bagyo.

Pinangangambahan din ng ilang residente ang kaligtasan ng mga kabahayan na muling nalulubog sa tubig dahil sa patuloy na high tide.

Sa kabila ng pinsala, iniulat ng Municipal Tourism Office na unti-unting bumabangon ang turismo sa lugar, kasabay ng pagbalik ng mga bumibisita sa lugar.

Facebook Comments