Restoration works ng NGCP, nagpapatuloy sa mga lugar na hinagupit ng Bagyong Quinta

Nagpapatuloy ang restoration activities ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa mga nasirang transmission line facilities sa mga lugar na hinagupit ng Bagyong Quinta.

Sa ulat ng NGCP, marami pang lugar ang naibalik na ang operasyon ng mga transmission lines.

Siyam na lang na transmission lines sa South Luzon ang hindi pa operational sa ngayon.


Kabilang dito ang Batangas-Mabini 69kV Line, Calaca-Balayan-Nasugbu-Calatagan 69kV Line pero ilan dito ay partially energized na.

Hindi pa rin naaayos ang Naga-Libmanan 69kV Line, Naga-Lagunoy 69kV Line, Naga Iriga 69kV Line, Naga-Tinambak 69kV Line at ang dalawang 500 kilo volt line at isang 230 kilo volt line.

Hanggang alas-10:00 kagabi naayos din ang Batangas-Bauan 69kV Line,Batangas-Ibaan-Rosario 69kV Line, Bay-Calamba 69kV Line, Calaca-Taal 69kV Line, Pitogo-Mulanay 69kV Line, Daraga-Sorsogon 69kV Line at TiWi-Malinaw-Tabaco 69kV Line.

Tiniyak ng NGCP na minamadali nila na maibalik sa lalong madaling panahon ang supply ng kuryente sa iba pang lugar.

May 21 line crews ang binuo ng NGCP at 12 karagdagang line group mula sa North Luzon, National Capital Region at Visayas ang nagtulong-tulong na para mapabilis lang ang restoration works sa mga nasirang pasilidad.

Sa pamamagitan nito, mapapabilis din ang restoration sa mga apektadong pasilidad.

Ang iba pang transmission facilities sa iba pang lalawigan sa North Luzon na bumagsak din matapos daanan ng bagyo ay naibalik na ang operasyon.

Facebook Comments