Restriction sa mga hindi pa bakunado kontra COVID-19, mas pinahihigpitan ng mga business owner

Umaapela ang ilang business at industry group ng mas mahigpit na restriksiyon para sa mga hindi pa nababakunahan kontra COVID-19.

Sa isang joint statement, iginiit ng grupo na mas magiging madali ang pagbubukas ng mga negosyo at kompanya kung paghihigpit ang mga hindi pa nababakunahan na empleyado at customer ng mga establisyimento.

Anila, ang mga hindi bakunado ay mas nagbibigay ng matinding banta maging sa mga nabakunahan na at nalalagay rin sa alanganin ang healthcare system ng bansa.


Bukod dito, nanawagan din ang grupo sa mga pribadong kompanya na himukin ang kanilang mga empleyado na magpabakuna na.

Sa ngayon, halos 22 milyong Pilipino na ang nakakumpleto o fully vaccinated na laban sa COVID-19.

Facebook Comments