Restriction sa paggalaw ng mga Pinoy sa Israel, mananatili hanggang bukas na lamang

Mananatili hanggang bukas na lamang ang advisory ng Philippine Embassy sa Israel hinggil sa paglilimita ng paggalaw ng mga Pilipino sa Israel.

Partikular na pinaiiwas ang mga Pinoy sa Gaza Envelope maliban sa Nirim, Kerem Shalom, Nir Oz, Kissufim, Ein HaShlosha, Sufa, Holit, Netiv HaAssara, Nachal Oz, at Kfar Azza.

Gayundin sa mga lugar na malapit sa confrontation line.


Sa harap pa rin ito ng matinding bakbakan sa pagitan ng Israel at Palestine.

Facebook Comments