RESTRICTIONS SA MGA SEMENTERYO NGAYONG DARATING NA UNDAS, IBINABA NA

Malugud na ipinabatid ni Cauayan City Mayor Jaycee Dy sa publiko na mas magiging magaan na ang mga restrictions sa mga sementeryo sa lungsod ng Cauayan ngayong darating na paggunita sa araw ng mga patay.

Aniya, wala pa umano itong natatanggap na announcement mula sa National Government tungkol sa mga posibleng pagpapatupad ng mga paghihigpit sa lungsod ngayong darating na undas.

Samantala, ipinapaalala parin ng alkalde sa publiko na kahit na hindi na mandatory ang pagsusuot ng facemask, ay hangga’t maari ay magsuot parin kapag nasa matataong lugar upang proteksyon na rin at upang makaiwas sa mga posibleng sakit tulad ng Covid-19.

Kaugnay nito ay minumungkahi rin ni Mayor Dy sa lahat ng mamamayan na hindi pa bakunado, na kung maari ay mag pabooster na dahil libre naman aniya ito.

Matatandaan na noong mga nakaraang taon ay isinara pansamantala ang mga sementeryo sa buong bansa dahil sa pag-iral nuon ng nakamamatay na sakit na Covid-19.

Facebook Comments